--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Health o DOH Region 2 na patuloy na inoobserbahan ang isang pasyenteng naitala na may sakit na MPox dahil sa kanyang mga commorbities.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mar Wynn Bello, Assistant Regional Director ng DOH Region 2 sinabi niya na medyo komplikado ang sitwasyon ng pasyente dahil sa kanyang underlying condition o commorbidity na kasalukuyan ding ginagamot maliban pa sa sakit na MPox.

Aniya akala nila ay gumagaling na ito ngunit nagkaroon ng komplikasyon sa iba pa nitong sakit.

Nahihirapang kumain ang pasyente dahil sa skin lesions sa paligid ng kanyang bibig at bahagyang lumobo rin ang tiyan nito.

--Ads--

Mabuti lamang at hindi intubated ang pasyente at hindi apektado ang kanyang paghinga.

Umaasa naman si Dr. Bello na hindi na lumala pa ang sakit ng pasyente at tuluyan na itong gumaling.

Batay sa kanilang monitoring sa kanyang mga close contacts, wala namang nagkaroon ng sintomas sa mga ito sa nakalipas na tatlong linggo matapos silang maexpose sa pasyente.

Muli naman siyang nanawagan sa publiko na iwasan ang skin to skin contact at kung may mga kakilala na makitaan ng skin lesions ay huwag nang lapitan at magsuot din ng damit na mahaba ang manggas upang makaiwas sa sakit.