CAUAYAN CITY – Patay ang isang bata matapos mabangga ng isang sasakyan sa kahabaan ng San Dionisio, Nagtipunan, Quirino.
Ang biktima ay si John Mark Apilado, 5 anyos at residente ng san Dionicio, Nagtipunan Quirino habang ang tsuper ng sasakyan na nakabangga sa kanya ay si si Clifford Dalit, 30 anyos may asawa at residente ng Villaverde, Nueva Vizcaya.
Sa pagsisiyasat ng Nagtipunan Police Station, binabagtas ni Dalit ang kahabaan ng provincial road sa San dionisio nang bigla umanong tumawid ang bata.
Hindi umano napansin ni Dalit ang biktima na dahilan ng hindi inaasahang pagkabangga na nagbunga ng pagkamatay ng bata.
Napag-alaman pa ng pulisya na nasa impluwensya ng nakakalasing ng inumin si Dalit na nasa pangangalaga na ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso.




