--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala pang gabay ang Bambang Police Station sa pagbaril at pagpatay sa barangay kapitan ng San Fernando, Bambang, Nueva Vizcaya.

Si Barangay Kapitan Mario Parolan, 54 anyos ay nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo matapos barilin ng riding in tandem criminals sa Banggot, Bambang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Rafael Cabonitalia, hepe ng Bambang Police Station, sinabi niya na si Parolan ay lulan ng kanyang motorsiklo patungo sa munisipyo ng Bambang kasama ang kanyang misis nang tapatan umano sila ng mga suspek.

Malapitan na binaril sa ulo si Kapitan Parolan gamit ang Cal. 45 na baril.

--Ads--

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Parolan habang nasugatan ang kanyang misis matapos sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Inihayag pa ni Chief Insp. Cabonitalia na dalawang basyo ng bala ang nakuha sa pinangyarihan ng krimen ngunit isang tama ng bala sa ulo ang tinamo ni Barangay kapitan Parolan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.