--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang construction worker matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na forward truck sa Napaccu Grande, Reina Mercedes, isabela.

Ang biktima ay si Warlito Sales, 37 anyos, may asawa at residente ng Centro 2, Luna, Isabela habang ang tsuper ng forward truck ay si Silvino Tumolba, 53 anyos at residente ng Sta. Visitacion, Tumauini, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Reina Mercedes Police Station, ang dalawang behikulo ay galing sa magkasalungat na direksyon nang sila ay magsalpukan.

Lumabas din sa imbestigasyon na mabilis ang pagpapatakbo ni Sales at inunahan ang nasa harapang sasakyan dahilan upang masalpok ang kasalubong na forward truck.

--Ads--

Dahil sa lakas ng banggaan ay tumilapon si Sales na nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Napagkasunduan ng dalawang panig na babalikatin ni Tumolba ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing ng biktima para hindi na siya sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.