--Ads--

CAUAYAN CITY – Binawian na ng buhay ang isa sa dalawang Dumagat na nagliyab matapos buhusan ng gasolina sa barangay Malasin, Maconacon, Isabela.

Ang mga biktima ay inilipad mula coastal town patungong pagamutan sa Tuguegarao City subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital si Fernando Sesuca.

Nauna nang sinabi ni Police Senior Inspector Val Simangan, hepe ng Maconacon Police Station na first degree burn ang tinamo nina Secuca at Acorda Cortez, na kapwa dumagat subalit kanyang nilinaw na batay sa paunang pagsusuri sa dalawa ay second degree burn ang kanilang natamo

Kanyang sinabi na nasawi si Fernando Sesuca habang dinadala sa pagamutan at ang isa pang biktimang si Acorda Cortez ay nilalapatan pa rin ng lunas .

--Ads--

Ayon kay Senior Inspector Simangan ang suspek si Renato Castillejo ay isinakay sa sasakyang panghimpapawid mula Maconacon patungong Ilagan City upang isailalim sa Inquest Proceeding sa kasong homicide at attempted homicide.

Binuhusan ni Castillejo ng gasolina ang dalawang biktima para huminto umano sa pangugulo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagliyab ang dalawa sanhi para sila ay masunog.