--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip at sasampahan ng kasong murder at frustrated murder ang dalawang lalaki na umabang at sumaksak sa dalawa nilang ka-barangay sa Angadanan, Isabela.

Namatay sa nasabing pananaksak si Tyron Operiano 34 anyos, habang sugatan si Marvin Mabanglo, 39 anyos, helper at kapwa residente ng Caloocan, Angadanan.

Ang mga suspek ay sina Mario Dupali at Romeo Eugenio, nasa tamang edad, residente rin sa nabanggit na lugar.

Pauwi na ang dalawang biktima matapos makipag-inuman kasama ang iba pang kaibigan nang sila ay harangin at saksakin.

--Ads--

Nagtamo si Operiano ng malalang sugat sa kanyang tiyan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang kanyang kasama ay nagtamo ng sugat sa balikat at nagpapagaling na sa pagamutan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Angadanan Police Station na may dati nang alitan ang biktimang si Operiano at suspek na si Dupali.