--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos umanong makakain ng isang pagkain na naihian ng isang daga sa Annafunan, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa kamag-anak ng biktimang si Imbo Caro, sinabi niya na noong nakaraang araw ay isinugod sa pagamutan sa Bayombong, Nueva Vizcaya ang biktima matapos makakain ng ulam na hinihinalang naihian ng daga.

Sinabi ng kamag-anak nito na kumain ang biktima ng isang pagkain na hindi natakpan nang maayos.

Makalipas ang ilang oras ay nagdilim at nakaramdam ng pagkahilo ang biktima kaya isinugod sa pagamutan.

--Ads--

Kumbinsido ang pamilya ng lalaki na walang foul play sa pangyayari dahil wala na umano itong ibang kinain bago isugod sa ospital.