--Ads--

CAUAYAN CITY –Patay ang isang lalaki makaraang pagbabariliin sa pambansang lansangan sa barangay Pogonsino, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang biktimang ay si Lee Mamarillo, nasa tamang edad, may-asawa, walang trabaho at residente ng Villa coloma, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Arjay Aluyen, imbestigador ng Bagabag Police Station, ang biktima ay sakay ng kanyang tricycle na may plakang ID 9445 ng pagbabarilin ng di pa matukoy na pinaghihinalaan.

Patungo ang biktima sa Direksiyon ng Solano, Nueva Vizcaya at nang makarating sa Pogonsino, Bagabag ay bigla na lamang binaril ng maraming beses ng suspek.

--Ads--

Ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Samantala, sa salaysay ng nakasaki sa krimen, sinabi ni Ginoong Renz Padilla, tatlumput tatlong taong gulang, isang caretaker at nakatira malapit sa pinangyarihan ng krimen na habang siya ay umiihi ay nakarinig siya ng maraming putok ng baril.

Nang kanya umanong tignan ay nakita niya ang biktimang nakahandusay at isang di pa matukoy na sasakyan ng mga pinaghihinalaan na agad tumakas patungong direksiyon ng Solano.

Nakuha ng mga tumugon na kasapi ng Scene of the Crime Operatives ang mga basyo ng bala ng di pa matukoy na baril.