--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki makaraan ang kanyang sinasakyang motorsiklo ay bumangga sa sinusundang tricycle na naging sanhi para sumalpok din sa kasalubong na sasakyan sa National Highway sa barangay Upi, Gamu, Isabela.

Ang namatay ay si Erbert Keypo ng barangay Cabeseria 22, Ilagan City.

Sugatan naman ang tsuper ng tricycle na nabangga ng biktima na nakilalang si Jordan Omsan, 27 anyos na residente ng Alibagu, Lunsod ng Ilagan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay binabagtas ang lansangan sakay ng kanyang motorsiklo nang aksidente masagi ang likurang bahagi ng tricycle.

--Ads--

Nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo ang biktima at umagaw ng linya na nagsanhi para masalpok ang isang sasakyan na tumakas matapos mabangga si Keypo.

Kaagad na namatay ang biktima at inaalam pa rin ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng tsuper ng sasakyang tumakas.