--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang retiradong sundalo matapos suntukin ng kaniyang nakaalitan sa Ilagan City.

Ang biktima ay si Joseph Nepomoceno, 52 anyos habang ang mga suspek ay sina Oroc Consalvo at Baka Allauigan, mga nasa tamang edad at kapwa residente ng Barangay San Ignacio, Ilagan City.

Sa paunang pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station, lasing na nagtungo ang biktima sa bahay ni Allauigan at kaagad na hinawakan ang balikat ng suspek na ikinagalit naman nito.

Dahil sa galit ay minabuting umalis na lamang ng nasabing suspek ngunit ng bumalik ay kasama na niya si Consalvo na may suot na metal knuckle sa kamay saka sinuntok sa mukha ang biktima.

--Ads--

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng PNP Ilagan kung umatake ang sakit ng biktima ng siya ay suntukin dahilan din upang kaagad siyang mamatay.