--Ads--

May ibat ibang aktibidad na ginagawa ng pamunuan ng San Manuel Police Station para mapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Floro Pascua ang Deputy chief of Police ng San Manuel Police Station sinabi niya na abala parin sila ngayon sa mga best practices para mapanatiling maayos ang Bayan ng San Manuel.

Sa ngayon ay mas maraming PNP personnel ngayon ang nagsasagawa ng Patrol Duty o Anti-Criminality Campaign alinsunod sa panibagong kautusan sa ilalim ng bagong pamunuan ng Police Regional Office 2.

Ilan sa mga krimeng kanilang naitatala kamakailan ay rape bilang tugon dito ay agad silang nagsasagawa ng mabilisang aksyon upang matugunan ang anumang rape case at mabilisang pag aresto sa suspek.

--Ads--

Kung matatandaan aniya ay may mga kaso ng rape sa kanilang nasasakupan noon ang cleared na.

Samantala, maliban sa rape ay may mga naitatalang vehicular accident parin sa kanilang nasasakupan.

Sa nakalipas na mga buwan aniya ay kapansin pansin ang unti-unting pagbaba ng kaso ng mga naaksidente dahil narin sa ibat-ibang hakbang katuwang ang DPWH.

Maliban dito ay tuloy-tuloy ang malalimang imbestigasyon sa naganap na pamamarail sa kanilang nasasakupan kung saan may natukoy ng person of interest at nangongolekta na lamang sila ng mga kaukulang ebidensya sa pagsasampa ng kaso.

Kaugnay naman sa nalalapit na Undas ay matitityak ng San Manuel Police Station na handang handa na sila para dito at tututukan ang dalawa sa mga pangunahing sementeryo sa kanilang nasasakupan.

Mag tatalaga sila ng Motorist Assistance Desk na siyang mangunguna sa pag-assist sa mga mag tutungo sa mga sementeryo para dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.