--Ads--

CAUAYAN CITY – Malaking hamon ang kinakaharap ngayon ng Lunsod dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID 19.

Sa kaniyang Public Address inihayag ni Mayor Bernard Dy na sa kasalukuyan ay mayroon nang 327 active cases ang Lunsod,limampu’t lima ang suspect cases at tatlumpu’t lima ang probable case.

295 ang sumasailalim sa strict home quarantine, labing dalawa ang nasa ISU quarantine facility at labing lima ang nasa bahay silangan.

Ayon kay Mayor Dy na dahil sa dami ng kaso hindi lamang sa Lunsod kundi sa buong lalawigan ay hindi pa naibaba ang mga CV codes na nagmumula sa DOH region 2.

--Ads--

Ayon sa assesment, kumpirmado na may community transmission na sa Lunsod partikular ang house hold at work transmission

Dahil dito ay nagpasya siyang isailalim na ang Lunsod sa GCQ bubble simula kahapon natatagal hanggang ikalawa ng Mayo.

Ayon kay mayor Dy na sa ilalim ng GCQ bubble ay ipapatupad na mas mahigpit na protocol pangunahin na sa galaw ng mga tao  na limitado lamang sa pagkuha ng Essential goods and services.

Pinapayuhan ang lahat ng mga residente at hindi residente ng Lunsod na mag dala ng valid Identification Card bilang katibayan sa kanilang edad at pagkakakilanlan.

Hinikayat rin ni Mayor Dy ang mga establisyimento at bahay kalakal  sa Lunsod na gawing protocol ang paghingi ng ID sa lahat ng mga pumapasok At huwag payagan na makapasok ang mga walang Id o anumang proof of identity.

Dadaan sa Triaging area sa Isabela State university Cauayan Campus ang mga LSI at ROF’s na mag mumula sa Metro manila at iba pang high risk areas habang kailangan namang magpakita ng negatibong RT PCR test o antigen test ang mga in bound fligths o mga papasok sa lunsod via air travel na may 48 hours validity.

Epektibo na rin simula kahapon ang isang  linggong liquor ban, ang mga tindahan o bahay kalakal na mahuhuling nagbebenta ng nakalalasing na inuman ay mapapatawan ng kaukulang parusa.

Nilinaw naman ni Bernard Dy na pahihintulutan lamang na makalabas  ang mga senior citizen para bumili ng gamot, pagkain at mga pangunahing panganagilangan kung walang ibang kasama sa bahay.

Pinapagayan naman ang operasyon ng mga money transfer at bangko hanggang alas dos ng hapon habang ang mga iba pang establisyimento ay maaaring magbukas hanggang alas siyete ng gabi maliban lamang sa mga  butika na may 24 hour operation.

Hinikayat ang publiko na agad na ipagbigay alam sa kinauukulan o sa sumbungan ng bayan kung may mga makikitang o kakilalang lumalabag.

Iginiit ni Mayor Bernard Dy na dapat na mas maging maingat at mapagmatyag ang mga residente ng Lunsod dahil sa sa kasalukuyan ay kabilang na ang Cauayan City sa critical areas.

Humingi naman ng paumanhin si mayor Dy sa mga maabala sa mga bagong panuntunan subalit mas kailangan aniyang bigyan ng simpatiya ang mga pamilyang naulila dahil sa COVID 19.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Bernard Dy.