--Ads--

CAUAYAN CITY- Nilooban ng hindi pa tinutukoy na bilang ng mga kawatan ang isang bahay sanglaan o pawnshop sa Bayan ng Bambang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Novalyn Aggasid ang tagapagsalita ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office, sinabi niya sa pamamagitan ng kanal ay nagkaroon ng access sa bahay sanglaan ang mga suspek.

Pumasok sa kanal ang mga supsek 700 meters ang layo sa pawnshop at doon nagsimulang maghukay ng  daan papunta sa establishimento.

Nang makapaghukay ay nagawang butasan ng mga suspek ang flooring o sahig ng pawnshop bago sinubukan na buksan ang vault gamit ang acetylene subalit hindi sila nagtagumpay.

--Ads--

Bago rito ay unang napansin ng katabing establisyimento ang kakaibang ingay na nagmumula sa pagbakbak ng mga supsek sa sahig ng pawnshop kaya agad itong naiulat sa may-ari ng gusali na agad naman umano nag imbestiga subalit hindi umano ito naiulat sa Pulisya.

Maliban sa walang gwardiya ay hindi din konektado sa PNP Bambang ang alarm ang pawnshop kaya hindi din agad naalerto ang PNP.

Ayon sa ilang saksi pasado alas-10 ng gabi ay may naririnig pa silang ingay sa loob ng bahay sanglaan subalit na tuklasan na lamang ang panloloob pasado alas-7 kinabukasan at apasado alas-9 na naipaalam sa kanila.

May mga sinisilip na sila ngayong person of interest sa grupong sangkot sa panloloob na siya rin aniyang grupo na nag ooperate sa Region.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makapagtala sila ng ganitong uri ng pagnanakaw o panloloob dahil huling nakapagtala sila nito ay sa Bayan ng Solano noong 2018.

Sa ngayon ay magsasagawa ng mga hakbang ang PNP upang tiyaking makaka comply ang mga bahay kalakal sa mga kinakailangan sa security measures maliban pa sa pinaigting na patroling katuwang ang force multipliers.

Palalakasin din nila ang kanilang project scuba para maiwasan ang kaparehong insidente.