--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Solar Powered Pump sa Cabaruan, Quirino, Isabela.

Mainit naman siyang sinalubong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pangunguna ni Isabela Governor Rodito Albano.

Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen ang Cabaruan Solar Powered Pump sa ilalim ng NIA MARIIS Division 3 ay bahagi ng Food Security Program ng Marcos Administration.

Ito ay binubuo ng 1,056 solar panels na kayang mag produce ng 739,200 watts ng kuryente at kayang mag-supply ng 12,000 gallons per minute na makakapagpatubig sa 350 ektarya ng sakahan.

--Ads--

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Cabaruan Solar Powered Pump Irrigation ay isa lamang sa mga hakbang na ginagawa ng kaniyang administrasyon para makamit ang food security sa buong bansa.

Ang Cabaruan Solar Powered Pump Irrigation System ay ang pinakamalaking solar powered irrigation sa buong Pilipinas.

Umaasa ang pangulo na magpapatuloy ang mga ganitong proyekto upang maibalik sa Lalawigan ng Isabela ang pagiging numero unong producer ng Mais at Palay sa buong Pilipinas.

Una nang namahagi ang NIA ng labin-limang Solar Powered Pump Irrigation Projects at small irrigation project sa Lambak ng Cagayan na pakikinabangan ng walong daan at animnapung magsasaka.

Sa kabuuan ay nasa walumpu’t dalawang irrigation projects na ang natapos sa buong bansa na puntiryang madagdagan pa ng pamahalaan.