--Ads--

Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkoles na sinubukan umanong i-“blackmail” ng abogado ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang pamahalaan kapalit ng hindi pagkansela sa passport ng dating mambabatas.

Kapalit nito, hindi na raw magpo-post si Co ng mga video kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya sa umano’y flood-control scam.

Ayon sa Pangulo nilapitan sila ng abogado ni Zaldy Co at nagtatangkang mag-blackmail na kung hindi kakanselahin ang passport nito, hindi na raw siya maglalabas ng video.

Sinabi pa ng pangulo na hndi ito makikipagnegotiate sa mga kriminal.

--Ads--

Dagdag mensahe pa ng pangulo na kahit maglabas ng video ng lahat ng kasinungalingan ni Zaldy ko na pampagulo sa gobyerno ay makakansela pa rin ang passport mo.

Hindi rin ito umano makakatakas sa hustisya.