Inihayag ng Malacañang na inihanda na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-appoint kay Atty. Melvin Matibag bilang bagong direktor ng National Bureau of Investigation (NBI), na papalit sa kasalukuyang hepe ng ahensya.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na pinili ng Pangulo si Matibag dahil nakita niyang may tiwala at kakayahan siyang pamunuan ang pambansang ahensiya sa pagsisiyasat.
Si Atty. Melvin Matibag ay kilala bilang dating Secretary General ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at nagsilbi rin bilang Cabinet Secretary noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang inaasahang appointment ni Matibag ay bahagi ng mga pagbabago sa pamunuan ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.











