Handa at nakaalerto ang Philippine Coast Guard para sa inaasaahang dagsaan ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong pasko.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coast Guard Ensign Ryan Joe Arellano, Public Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na nanatiling mapayapa ang mga pantalan sa North Eastern Luzon ngayong Holiday Season.
Dahil sa masungit na panahon dulot ng Amihan ay pinag-aaralan ngayon ng Coast Guard District Northeastern Luzon ang pagpapatupad ng No Sail Policy dahil sa pinangangambahang pagtaas ng mga alon sa karagatan na kanilang nasasakupan.
Binigyang diin ng PCG na oras na itinaas ang No Sail Policy ay walang saskayang pandagat ang papahintulutan na maglayag kaya posibleng makapagtala sila ng stranded na mga pasahero sa pantalan.
Paalala ng Coast Guard sa mga Baksyunista na nakatakdang bumiyahe na matutong sundin ang mga abiso ang PCG para sa ligtas na pagbiyahe.