CAUAYAN CITY – Cardiac arrest ang dahilan ng pagkasawi ng Philippine Coast Guard o PCG Trainee sa kasagsagan ng company run ng Summer Sports Fest 2024 ng Coast Guard Non-Officers’ Course Class 102-2023 sa Regional Training Center-Aurora, Mijares, Dipaculao, Aurora.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Edison Abiad, Tatay ng biktima, sinabi niya na hindi nila inaasahan ang pangyayari dahil wala namang naganap na lapses mula sa opisyal na in-charge sa company run.
Ayon kay Abiad tumawag sa kaniya ang opisyal ng Philippine Coast Guard at ipinarating ang nangyari sa kaniyang anak.
Natapos naman umano ni Mark Richnel Abiad ang company run subalit nang makarating sa finish line ay doon na siya nahimatay.
Malusog naman aniya si Mark at walang anumang sakit dahil natapos din niya ang rigid training bilang PCG Trainee.
Batay sa huli nilang pag-uusap bago ang insidente ay wala ring nababanggit na nararamdam na kakaiba sa kaniyang katawan ang kanyang anak.
Mismong ang Pamilya Abiad din ang nagrequest na isailalim sa autopsy ang labi ng kaniyang anak at nalamam na cardiact arrest ang sanhi ng pagkasawi nito.
Naniniwala naman ang Pamilya Abiad na walang naging pagkukulang ang PCG sa ginawang training dahil bago ang company run ay sumasailalim muna ang mga trainee sa medical examination.
Tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Coast Guard sa kanilang pamilya at tiniyak na makukuha ni Mark ang lahat ng nararapat na benepisyo.











