CAUAYAN CITY – Magsasagawa na ng validation ang PCIC Region 2 sa mga magsasakang nagpasa ng notice of damage o loss dahil sa epekto ng kawalan ng ulan sa rehiyon.
Dahil sa kawalan ng pag ulan ay maraming mga pananim na mais ang lubhang naapektuhan at malabo nang makarekober pa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Louterio Sanchez, ang OIC ng Marketing Division ng PCIC Region 2, sinabi niya na mula kahapon ay nasa apat na raan siyamnaput walong magsasaka pa lamang mula sa lalawigan ng Isabela ang nakapagpasa ng kanilang claims sa tanggapan ng PCIC.
Karamihan sa mga magsasakang nagpasa ng indemnity claims ay mula sa bayan ng Angadanan, San Guillermo, Jones at sa lunsod ng Ilagan.
Nasa walumpung libo ang napasiguro ng PCIC Region 2 sa lambak ng Cagaya at batay sa sitwasyon malawak na ang nasira dahil sa tagtuyot.
Ngayong linggo ay magdedeply na sila ng mga magbeberipika sa mga pananim na naipasiguro ng mga magsasaka at naapektuhan ng tagtuyot.
Ayon kay Ginoong Sanchez kahit pa nakapagpasa na ang mga magsasaka ng notice of loss sa kanilang apektadong pananim ay kailangan pa ring iberipika kung partial o buong tanim ang apektado.
Nilinaw naman ng PCIC Region 2 na ang mga pananim lamang na mahigit sampung bahagdan ang apektado ang pwdeng I file para sa notice of loss at mababayaran.
Sa loob ng dalawampung araw ay mababayaran na ang mga mabavalidate ng PCIC na tanim na mais ng nagpasang 498 na magsasaka.