--Ads--
Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga official receipts na nagpapatunay na nakapagbayad ang DPWH Bulacan 1st District Engineering Office ng mahigit ₱55 milyon sa Syms Construction Trading para sa isang flood control project sa Barangay Piel, Baliuag, Bulacan.
Gayunman, mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagsabi na isa itong ghost project matapos niyang personal na inspeksyunin ang lugar.
Ayon pa sa kanya wala man lang makikitang materyales, kagamitan o kahit pader na itinayo sa kabila ng deklarasyong 100% complete at fully paid na ang naturang proyekto.
Dagdag pa ng Pangulo, ito ay malinaw na malaking paglabag at anomalya na dapat papanagutin ang mga sangkot dahil nilustay ang pera ng taumbayan.
--Ads--











