Walang mga naitalang mga falsified Persons with Disability o PWD ID ang tanggapan ng PDAO sa lungsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, PDAO Officer ng Cauayan City sinabi niya na may sinusunod na polisiya sa issuance ng PDW ID.
Una rito ay sinusuri ang disability ng nag-aapply habang ang mga non-apparent disabled person tulad ng may mga mental disability, learning disability, pyschosocial disability, cancer na kailangang dumaan sa mga doktor ay kailangang masuri ang kanilang medical certificate.
Ang PWD ID card na makukuha ng isang PWD ay valid ng limang taon.
Sakaling hindi makapunta ang mismong PWD sa pagkuha ng ID ay kailangan ng authorized representative ang kukuha ngunit ngayon ay may UNA KA DITO Caravan sa Barangay namang isinasagawa ang pamahalaang lungsod na maaring pagkuhanan ng mga hindi makakapunta sa kanilang tanggapan.
Nilinaw ni Ginoong Galutera na ang PWD ID ay magagamit lamang ng may-ari nito at hindi pwedeng gamitin ng iba.
Pwede aniyang kasuhan ang mga gumagamit ng pekeng PWD ID lalo na kapag mga negosyante ang magrereklamo.
Aniya sa Cauayan City ay may QR Code ang bawat ID kaya hindi ito mapepeke tulad ng mga naiulat ng BIR patungkol sa mga pekeng PWD ID.