--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumitindi ang isinasagawang monitoring ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa paggamit ng mga PWD Identification Card o ID sa lungsod ng Cauayan.

Bagaman wala pang nag-uulat sa tanggapan ng PDAO tungkol sa pamemeke o ilegal na paggamit ng IDs ay umaaksyon naman ang mga kawani para makatiyak na walang problema sa lungsod.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, Persons with Disabilities Affairs Officer, tinitiyak aniya nila na hindi ang kapamilya ng PWD ang gumagamit sa ID para sa personal na interest.

Personal na gamit aniya ito ng mga PWD kaya hindj dapat samantalahin ng mga kaibigan o maging ang kaanak nito.

--Ads--

Matatandaan din aniya na noong buwan ng Disyembre umugong ang balita na nalulugi na ang ilang establisyimiento dahil sa paggamit ng mga pekeng PWD ID at ginagamit ito sa pagbili ng gamot, pagbabayad ng pamasahe, at pagkain sa mga restaurant.

Dahil dito ay pinangangambahan naman ng tanggapan na posibleng itakas ng kung sino man ang ID ng PWD upang masulit ang mga diskwentong benipisyo .

Sa ngayon ay nasa 10% na lamang aniya ang hindi pa nabibigyan ng PWD ID kaya inaabisuhan ang 90% na huwag ipapahiram ng basta basta ang kanilang ID upang hindi ito magamit sa personal na interest.

Dagdag pa ni Ginoong Galutera, nag iikot- ikot ang kanilang hanay sa mga establisyimiento at nakiki balita rin sila sa City hall kung mayroong problema sa paggamit ng PWD IDs.

Pinapayuhan naman ang mga residente na wag mag atubiling magsumbong sa kanilang tanggapan sakaling mabiktima ng pekeng ID o di naman kaya ay ang pananamantala sa paggamit nito.