
CAUAYAN CITY – Inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang Oplan Harabas bilang paghahanda sa Semana Santa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Louella Tomas, information officer ng PDEA Region 2, sinabi niya na isinailalim sa Ramdom Drug testing ang 221 tsuper ng pampublikong sasakyan.
Batay sa kanilang screening, isa ang naitalang positibo sa Marijuana na nagnegatibo rin sa confirmatory test.
Dahil dito, sinuspinde ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) ang lisensiya ng nagpositibong tsuper.
Naging maganda naman ang partisipasiyon ng mga tsuper sa surprise mandatory drug testing dahil may naging katuwang sila na nag-anyaya sa mga tsuper at konduktor ng mga pampublikong sasakyan.
Mula 2019 ay anim na driver/conductors ang naitala ng PDEA na positibo sa ipinagbabawal na droga at ang ilan ay tsuper ng tricycle at Bus Driver na mula sa ibang lugar.
Ang mga naitalang positibo sa droga noong 2019 ay pawang sumailalim sa Community Based Rehabilitation Program.










