Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong “Uwan” sakaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at tumama sa bahagi ng Hilagang Luzon.
Ayon sa BGD Command Center, ini-reschedule ang PDRA sa hapon upang matiyak na mabibigyang-daan ang lahat ng miyembro ng kQRD basesonseho na makadalo at makapag-ulat ng kani-kanilang mga paghahanda.
Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng presensya ng bawat kinatawan upang mapag-ugnay ang mga hakbang sa pagtugon sakaling lumala ang sitwasyon.
Tiniyak din ng Command Center na handa ang kanilang hanay para sa monitoring at pagpapalaganap ng impormasyon sa lahat ng Quick Response and Rescue (QRD) bases sa lungsod.
Patuloy umano ang koordinasyon ng bawat departamento upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at agarang pagtugon sa anumang maaaring maging epekto ng naturang bagyo.











