--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumubuo na ng contingecy plan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Isabela upang matugunan ang maaring epekto ng El Niño Phenomenon sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Constante Foronda, PDRRM Officer, sinabi niya na may nauna na silang nabuong plano ngunit inaadjust lamang nila sa kasalukuyang sitwasyon.

Aniya hindi pa kasi matantiya ng PAGASA kung malala ang magiging epekto ng tagtuyot ngunit tiniyak naman niyang naghahanda sila sa worst case scenario.

Sakali aniyang sumabay ang kawalan ng ulan sa demand ng mga magsasaka sa tubig ay malaki ang magiging epekto sa mga pananim.

--Ads--

Batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa National Irrigation Administration o NIA-MARIIS sapat pa naman sa ngayon ang suplay ng tubig para sa mga sakahan.

Ayon naman sa SN-ABOITIZ Power sakali mang magkaroon ng blackout ay hindi ito malawakan dahil may ibang sources namang mapagkukunan ng tustos ng kuryente.

Maliban sa paghahanda sa epekto ng El Nino ay kasalukuyan na rin ang kanilang preparasyon para sa nalalapit na Semana Santa kung saan magdedeploy sila ng mga personnel at help desk sa mga estratehikong lugar.