Nagsagawa ngayong araw ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Isabela bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Nando.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Atty. Constante Foronda, sinabi niyang layunin ng PDRA ang masusing kahandaan ng mga ahensya sa pagtugon sa mga posibleng sakuna.
Aniya, mahalagang maging handa ang PDRRMC lalo na’t sa ganitong panahon noong nakaraang taon ay sunod-sunod ang naranasang mga bagyo.
Dumalo sa PDRA ang mga kinatawan mula sa mga ahensyang Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at National Irrigation Administration–Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).
Tiniyak ng PDRRMC na handa ang lahat ng personnel na itatalaga sa Northern Isabela, kung nasaan ang mga lugar na madalas nakararanas ng pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang konseho sa mga lokal na pamahalaan para sa posibleng augmentation o karagdagang pwersa sakaling lumala o magkaroon ng matinding epekto ng bagyo.
Siniguro rin ng PDRRMO na may sapat na stockpile ang mga lokal na pamahalaan na kanilang magagamit sa kalamidad at kung kapusin ay may sapat na tustos ng relief goods ang DSWD sa kanilang mga bodega.
Payo niya sa publiko na maging hand sa pa pararating na sakuna at manatiling updated sa lagat ng panahon at rain fall warning











