CAUAYAN CITY– Nakahanda na ang dumptrucks, mga heavy equipment tulad ng mga dumtrucks at limang rescue teams na tutugon sa mga emergency cases sa posibleng pagtama ng Bagyong Ambo sa Isabela
Kaugnay nito ay naka- red alert status ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ret. Police Brig. General Jimmy Rivera na siya ring PDRRM Officer na mayroon nang nakahandang apatnapong libong relief packs na ipapamahagi sa mga maapektuhan ng bagyong Ambo.
Mayroon na rin silang contact sa apat na coastal towns ng Isabela na magbibigay ng updates may kaugnayan sa pagdaan ng bagyong Ambo sa kani kanilang nasasakupan..
Mayroon na ring dalawang huey helicopter ang naka-standby sa Tactical Operations Group 2





