--Ads--

CAUAYAN CITY – Ibayong pinaghanda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang lahat ng Municipal DRRMO at mga mamamayan para maiwasan ang epekto ng bagyong Hanna.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes, nararanasan na nila ang maulap na kalangitan na may pagbugso ng hangin at ulan kaya kahapon pa lamang ay pinaghanda na niya ang kanilang mga tauhan at mga mamamayan sa Batanes lalo na ang mga residente ng Itbayat na patuloy na nasa open field matapos ang lindol.

Aniya, inutusan nila ang mga residente roon na itali na mabuti ang kanilang mga tent para hindi ilipad ng hangin.

Tiniyak ni PDRRM Officer Esdicul na sapat ang mga relief goods sa Itbayat dahil kahapon ay nakapaghatid pa ng tulong ang eroplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

--Ads--

Sinuspindi na simula kahapon ang biyahe ng mga bangka.

Kinumpirma ni Ginoong Esdicul na 700 residente sa Itbayat ang nakabalik na sa kanilang bahay matapos na i-asess ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ligtas pa itong tirahan pero ang mga nasa open field ay ang mga totally damaged ang kanilang bahay.

Patuloy ang pagbibigay ng tulong medikal sa mga residente sa Itbayat.

Nakakaranmdam pa rin ng aftershocks ang lugar kaya hiling niya ang panalangin sa kanila para sa muling pagbangon ng bayan ng Itbayat.

Ang tinig ng PDRRMO Roldan Esdicul