CAUAYAN CITY – Bubuo ng Task Force ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Isabela para matiyak ang kaligtasan ng mga Isabeleño.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Constante Foronda Jr., Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Isabela, sinabi nito na bubuo sila ng Task Force tulad ng Water Search and Rescue Team para sa bagyo at kung may drowning incidents.
Aniya, magiging fully equipped ang Task Force sa kasuotan at kagamitan at dapat ay nasa kondisyon ang kanilang mga sasakyan dahil sila ang unang reresponde kung sakaling may insidente.
Ang pagbuo ng Task force ay kailangan upang may maagap sa pagresponde lalo na kapag mahal na araw at inaasahan Ang pagligo ng mga tao sa ilog.
May mga ambulansya na aniya Ang lahat ng munisipalidad ngunit iba pa rin kung may task force na kompleto sa lahat ng gamit.