
CAUAYAN CITY – Wala pang ipinatupad na preemptive evacuation sa coastal towns ng Isabela na nasa signal number two kaugnay ng bagyong Maring.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PDRRM Officer Ret General Jimmy Rivera na tatlong araw nang umiiral ang no sailing no fishing, no swimming policy maging ang liquor ban sa mga coastal towns ng Isabela.
Pinag-iingat niya ang mga nakatira malapit sa mga sapa at ilog para maiwasan ang panganib na dulot ng pagbaha.
Ayon kay Ret Gen Rivera, inabisuhan na nila ng LDRRMO ng Benito Soliven at San Mariano Isabela na subaybayan ang mga lugar na maaaring magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa pangunahin sa Yeban Norte at yeban Sur sa bayan ng Benito Soliven.
Ang mga overflow bridges aniya ay isasara mamamayang alas singko ng hapon kapag malaki ang epekto ng bagyo.
Nakahanda na rin ang mga relief packs kung kailangan.