--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang lumabas na ulat na may naganap na landslide o pagguho ng lupa sa bahagi ng Divilacan, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Basilio Dumlao, PDRRM Officer sinabi niya na wala silang naitalang anumang pagguho ng lupa sa Divilacan, isabela.
Aniya, bagamat wala nang nakataas na warning signal sa Isabela dahil sa bagyong Ramon ay patuloy nilang pinag-iingat ang mga residente dahil sa bagyong Sarah.
Sa ngayon aniya ay handa na ang daan-daang family food packs na ipapadala sa Cagayan para sa mga pamilya at indibidual na kasalukuyan pang nasa evacuation centers sa Cagayan.
--Ads--










