--Ads--

CAUAYAN CITY – Nararanasan na ang pabugsu-bugsong pag-ulan sa lalawigan ng Batanes na nasa signal number 2 kaugnay ng Bagyong Ineng.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Roldan Esdicul na suspendido na ang klase ng mga mag-aaral sa Batanes gayundin na pinatigil na nila ang biyahe ng mga Bangka simula kahapon.

Naka-red alert status na sila at mahigpit na minomonitor ang mga kaganapan sa Batanes sa pamamagitan ng mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sinabi ni Ginoong Esdicul na dumating na sa Itbayat, Batanes ang kanilang resident management team para imonitor ang mga kaganapan doon.

--Ads--

Tiniyak niya na may sapat na pagkain ang mga residente sa Ibayat at ang mga pamilya na nasira ang mga bahay sa naganap na lindol ay nakikituloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak na bahagya lamang ang pinsala sa kanilang mga bahay.

Ang tinig ni PDRRMO Roldan Esdicul