--Ads--

Mapayapang natapos ang ginanap na National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo sa Isabela Sports Complex na dinaluhan ng nasa 50,000 na miyembro ng sekta.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Noraly Andal ang tagapagsalita ng City of Ilagan Police Station sinabi niya na naging mapayapa ang isinagawang National Rally for Peace ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo dahil wala silang naitalang anumang insidente maging mga nasaktan o nangailangan ng atensyong medikal.

Aniya naging maayos din ang daloy ng trapiko kahit pa maraming mga INC members parin ang nagsidatingan sa venue pasado alas kuwatro na ng hapon.

Maayos nilang naipatupad ang inilatag na traffic scheme na malaking bagay kaya naiwasan ang pagbuhol buhol ng mga sasakyan na sumabay pa sa rush hour.

--Ads--

Ayon sa kaniya ay naging alerto sila sa pagmamatyag sa Isabela Sports Complex kaya walang anumang krimen ang naitala gaya ng pagnanakaw sa pamamagitan ng pagpapakalat ng Civilian Personnel.