CAUAYAN CITY- Isinagawa ngayong araw ang Peace, Order and Conflict Prevention Seminar sa Barangay Community Center ng Brgy. Districy 1, Cauayan City, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Brgy. Kagawad Reynaldo Aldana II, Peace and Order Committee Chair aniya na lubos na nagpapasalamat at nagagalak ang pamunuan ng Brgy. District 1 sa pangununa ni Punong Barangay Marc De Joya sapagkat sa kanilang brgy napili na isinagawa ang nasabing seminar.
Sa pangunguna ng Rotary Club of Metro Cauayan na siyang organizer sa nasabing seminar katuwang ang PNP Cauayan City Station ay nagkaroon ng lecture sa Katarungan Pambarangay, Basic Arnis Skills, Hand Cuffing Technique maging na din ang pamamahagi ng Rattan Sticks, Flashlights, handcuffs at raincoats sa mga Brgy. Tanod at Purok Leader.
Ayon pa kay Kagawad na malaking bagay umano ito para sa mga Brgy. Tanod maging sa mga Purok leader para madagdagan ang kanilang mga kaalaman kung paano ang maayos na pagtugon sa kanilang mga nirerespondihan na mga insidente sa loob ng barangay.
Samatala, sa ngayon batay sa datos ng Brgy. District 1 ay bumaba umano ang bilang ng mga naitatalang insidente sa kanilang nasasakupan na kung saan ay hindi na naipapaabot pa sa barangay level sapagkat naaayos na umano ito sa loob pa lamang ng purok sa tulong ng mga itinalagang purok leader.
Patuloy naman ang ginagawang monitoring at pagroronda ng mga opisyal upang panatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng barangay.