Magsisimula na sa mga susunod na araw ang posibleng pinakamalamig na yugto ng Amihan (northeast monsoon) season na kadalasang nangyayari sa huling bahagi ng Enero.
Ngayong araw tinataya ang malakas na bugso ng amihan na magdadala ng malamig na simoy ng hangin sa Luzon na posibleng umabot pa sa Visayas at hilagang bahagi ng Mindanao.
Bunsod nito, asahan ang muling pagbaba ng mga temperatura, partikular sa Northern Luzon.
Posibleng maging maulan din sa silangang bahagi ng bansa dahil sa northeast monsoon at iba pang weather system.
May posibilidad na may mga kasunod pa itong mas malakas na surge ng amihan sa mga susunod na linggo, lalo na sa unang bahagi ng Pebrero.
Samantala, patuylo paring binabantayan ng state Weather Bureau ang Bagyong Ada na nasa karagatan sa silangang Luzon. Sa kasalukuyan wala na itong apekto sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala isa pang Low Pressure Area o LPA ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR at may mababa pang tiyansa na maging bagyo.











