--Ads--

CAUAYAN CITY – Maaaring naabot na ng Metro Manila ang peak o pinakamataas na pag-akyat ng bilang ng COVID-19 ayon sa UP Octa Research Group.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Guido David ng Octa Research sinabi niya na ngayong linggo ay naitala ang unang beses na negative 2% growth rate mula noong buwang ng Hulyo.

Ibig sabihin nito ay ang daily average sa pitong araw ay mas mababa na kung ihahambing sa nakaraang pitong araw.

Aniya kahit mataas ang naitala ngayon na pangalawa sa pinakamataas na naitalang kaso na umabot sa mahigit 23,000 ay mas mababa naman ito kumpara noong nakaraang linggo.

--Ads--

Bumababa na ang naitatalang kaso sa Metro Manila ngunit marami pa rin ito, maging sa Cavite at Laguna ay negative 5% na rin ang naitalang growth rate sa nasabing mga lugar.

Samantala bumaba na rin sa 20% ang growth rate sa lalawigan ng Cagayan habang tumaas naman sa 37% ang growth rate ng lalawigan ng Isabela noong nakaraang linggo.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Guido David.