CAUAYAN CITY – May pag-aalinlangan ang Federation of Free Farmers sa plano ng Pamahalaan na magbenta ng murang bigas ng National Food Authority sa KADIWA oulets.
Sa naging panyam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Leonardo Montemayor -Chairman of the Board Federation of Free Farmers sinabi niya na maganda ang intensyon ng Pamahalaan sa pagbebenta ng murang bigas sa mga KADIWA outlet subalit kailangan itong mapag-aralang mabuti.
Aniya dapat matukoy kung magkano ang magiging lugi ng Pamahalaan sa naturang programa dahil ang bilihan ngayon ng bigas sa merkado ay 50 pesos kada kilo depende sa klase.
Kung sakali man aniya na aging stocks lamang ang gagamitin sa pagbebenta ng bigas ay dapat matiyak ng Kagawaran ng Pagsasaka na ligtas pa rin itong kainin at aabot lamang sa humigit-kumulang isang bilyong piso ang kakailanganin para masustena ang ganitong programa na lilimita lamang ng sampung kilo kada buwan para sa isang buyer.
Ang tanong ngayon ng grupo ay kung hanggang kailangan magtatagal ang programa at kung sakali mang magkaroon ng kalamidad ay saan kukuha ng buffer stock ang Department of Social Welfare and Development kung magkakaraon ng kakulangan ng stock ng bigas sa NFA.
Nais ding pag-aralan ng Federation of Free Farmers kung ano ang epekto ng programa sa kasalukuyang buying price ng palay.