--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Local Government Foundation na kapansin pansin na nangingibabaw ang mga personal interest ng mga kandidato sa 2022 National and Local Election.

Ito ang Inihayag ni Ginoong Edmund Tayao, Executive Director ng Local Government Foundation sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Ngayon lamang ay nakakita ng mga kandidatong tumatakbo sa national positions na mula sa ibat ibang partido at hindi nila binibigyang halaga ang partidong kinabibilangan.

Ayon kay Tayao, bagamat hindi na bago ang ganitong kalakaran ng pulitika ay mas lalong lumala dahil sa hayagan o lantarang pagpapakita ng pansariling interes ng mga kandidato.

--Ads--

Ang ganitong sistema ng politika ay mananatiling mararanasan ng mga botante hanggat hindi binabago o nababago ang sistema sa bansa.

Maihahalintulad anya sa tingi-tinging solusyon ang panukalang inihahain sa senado upang amyendahan ang substitution by withdrawal sa paghahain ng kandidatura ng mga politiko.

Para sa kaniya ang kasalukuyang suliranin sa politika ng bansa ay maihahalintulad sa isang butas na bubong na pilit tinatakpan subalit dahil sa luma na ay magkakaroon pa rin ng butas.

Upang masolusyunan ang problema sa substitution at withdrawal ay kailangang mapalitan ang umiiral na batas.

Samantala, inihayag ni Tayao na kung siya ang tatanungin ay imposibleng labanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili nitong anak sa Vice Presidential Race.

Ngayong araw ng Lunes ikalabing lima ng nobyembre ang deadline of substitution ay masasagot na rin ang mga katanungan kung maglalaban ang mag-amang Duterte sa Vice Presidential Race.

Umaasa naman si Tayao na sa kabila ng kasalukuyang kalagayan ng pulitika ay mayroon pa ring mga kandidatong magbibigay ng bago at makapagbibigay ng tamang solusyon na kinakaharap ng bansa pangunahin na ang pandemya.

Panawagan niya sa mga kapwa botante na pag-isipang mabuti kung sino ang kanilang iluluklok sa posisyon.

Idinagdag pa ni Tayao na naniniwala siya na mahaba pa ang panahon at marami pang inaasahang pagbabago o magbabago sa bahagi ng desisyon ng mga botante.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Edmund Tayao.