--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagbabahagi ng tulong ng Persons with Disability Affairs Office sa mga may kapansanan na Cauayeño.

Sa ngayon ay mayroon ng 4,729 na PWD’s ang rehistrado sa kanilang tanggapan at 63 mula rito ang nabigyan na ng hanapbuhay.

Sa pahayag ni PDAO Head Jonathan Galutera, sinabi niya na ilan sa mga livelihood assistance na ibinibigay ay ang live animals na maaaring pagkakitan.

Nabigyan din ng 5,000 pesos hanggang 20,000 pesos ang mga PWD batay sa assessment ng Persons with Disability Affairs Office na maaari naman nilang pang puhunan sa pagtitinda.

--Ads--

Bukod dito mayroon ding cash forward program o temporary employment para sa mga PWD upang maihanda sila sa pagta trabaho.

Ngayong buwan ng Agosto umano ay mayroong labing Lima (15) na PWD ang nabigyan ng livelihood assistance at isa naman ang nabigyan ng assistive device.

Sa kabuoan ay mayroon nang 249 na PWDs ang nakatanggap ng wheel chair, hearing aids, walkers, artificial legs at iba pa.

Target pa nilang makapagbigay ng livelihood assistance sa labinlima pang indibidwal.