--Ads--

CAUAYAN CITY- Binigyang linaw ng Public Employment Service Office o PESO Cauayan City ang sistema sa pagkuha ng benepisyaryo sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD

Ayon sa tanggapan walang palakasan o politika na nangyayari sa pagpili o pagkuha ng mga benipisaryo dahil ito ay dumadaan sa profiling.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan ka Atty. Divina Gonzales, PESO MANAGER ng Cauayan City, sinabi nito na hindi lahat ng nagpapalista sa mga Barangay ay mapapabilang sa TUPAD benificiaries.

Kinakailangan kasi na dapat ay kabilang ang isang indibidwal sa mga residente na displaced workers o mga kabilang sa informal sector

--Ads--

Nilinaw din niya na minsan lang kada taon pwedeng maging benepisyaryo ng TUPAD ang isang indibidwal

Ibig sabihin, hindi pwedeng maulit na maging TUPAD Beneficiary ang sumasali sa programa sa loob ng isang taon

Ayon pa kay PESO Manager Atty. Gonzalez, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may slot sa TUPAD program dahil ang pondo nito ay nanggagaling sa Department of Labor and Employment (DOLE) at ibang pang concerned agencies.

Iginiit din niya na hindi rin dapat kasali ang mga government employee, estudyante at mga nagtratrabaho sa private companies na may pasok ng aabot sa walong oras.