--Ads--

CAUAYAN CITY – Ninakawan ng hindi pa nakikilalang pinaghihinalaan ang isang agricultural supply sa Barangay San Juan, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Judith Riogelon, may-ari ng agri supply, sinabi niya na alas kuwatro ng madaling araw ng maramdaman niyang may kumakaluskos sa kanilang tindahan subalit ipinagsawalang bahala lamang niya ito at bumalik sa patulog.

Kinaumagahan na nang matuklasang nawawala na ang isang karton ng insecticide na naka lagay sa kanilang tindahan.

Nagkataon na doon naka lagay ang CCTV camera kaya naman nakunan ng video ang hindi pa nakikilalang suspect.

--Ads--

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalake na umakyat sa bakod  at kinuha ang kahon ng insecticide na nasa kanilang compound at saka tumakas.

Babala naman ni Ginang Judith sa mga kagaya niyang may negosyo na maging mapagmatiyag at huwag ipagsawalang bahala ang anumang mga kahinahinalang ingay upang hindi mabiktima ng magnanakaw.