CAUAYAN CITY – Ikinabahala na ng mga pet owners ang tumataas na kaso ng rabies sa lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Belina Barboza, Provincial Veterenary Officer ng Isabela, sinabi niya na dumadami na ang nagpapabakuna ngayon sa mga alaga nilang aso matapos na sumampa sa anim ang rabies cases sa Isabela.
Ayon sa kaniya may sapat na bakuna pa rin naman ang Provincial Veterenary Office dahil naglaan ng pondo ang Pamahalanag Panlalawigan para sa Rabies Vaccines.
Puntirya nila ngayon na mapataas ang bilang ng mga mababakunahan dahil sa tumataas na rin ang bilang ng mga nakakagat ng hayop.
Bukas aniya ang Provincial Health Office para magpadala ng staff sa mga barangay na may kakulangan ng tao na may kakayahang magbakuna.