--Ads--

Naniniwala ang isang experto na hindi kikilalanin ng International Criminal Court ang Senate Resolution na humihiling para sa house arrest ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty Domingo Egon Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi niya na kadalasang nagbabase lamang ang ICC sa mga ebidensiya at hindi sa mga political statement.

Anya, ang interim release ng pangulo ay nakadepende pa rin sa totoong kalagayan ng kalusugan ng dating pangulo, kahandaan nitong humarap kalaunan sa mga trial at kung hindi magiging banta ang kanyang pansamantalang paglaya sa mga nagpaparatang sa kanya.

Dagdag pa ng abogado, hindi rin maaaring sa Pilipinas dadalhin ang dating pangulo dahil hindi na miyembro ng ICC ang bansa.

--Ads--

Naniniwala naman si Cayosa na nasa maayos na kalagayan pa rin ang dating pangulo kahit nasa detention facility ito ng ICC.