--Ads--

Babalik na sa bansa ngayong Lunes ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent matapos ang kanilang deployment sa Myanmar dahil sa 7.7 magnitude na lindol noong Marso 28.

Binubuo ng 89 na personnel mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor ang mga nakatalagang uuwi ng bansa na sasalubungin sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Kasama sa contingent ang Office of Civil Defense (OCD), Philippine Air Force, Philippine Army, Department of Health, MMDA, Bureau of Fire Protection, DENR Emergency Response Team, Energy Development Corporation, at Apex Mining Co., Inc.

Ibinahagi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang papuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa contingent group.

--Ads--

Habang pinangunahan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang send-off noong Abril 1 at inaasahang mangunguna rin sa welcome reception.

Nagtapos ang misyon ng Philippine humanitarian team noong Abril 12, at pinasalamatan sila ni Philippine Embassy in Myanmar Charge d’Affaires Angelito Nayan para sa kanilang natatanging serbisyo.

Sa ngayon ay nakapag padala na ang Pilipinas nang 19,458 pounds ng humanitarian aid, kabilang ang hygiene kits at mga tarpaulins mula sa ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance.

Samantala mahigit 3,600 na ang naiulat na nasawi dahil sa lindol.