Kasado na ang Cope Thunder Exercise sa pagitan ng Philippine Air Force (PAF) at U.S. Pacific Air Forces (USPAF)
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang Cope Thunder ay isang taunang bilateral exercise na layong palakasin ang kooperasyon at interoperability ng dalawang bansa sa larangan ng depensa.
Sisimulan ang unang bahagi ng pagsasanay sa Lunes, April 7 at tatagal ito hanggang April 18, 2025, habang ang ikalawang bahagi ay nakatakda naman sa Hunyo.
Isa sa mga inaabangang highlight ng ehersisyo ay ang muling pagsabak ng FA-50PH fighter jets ng PAF matapos ang pag-lift ng grounding order nito.
Magaganap ang Cope Thunder PH sa Northern Luzon, kung saan muling magpapakita ng bagsik ang hukbong panghimpapawid ng Pilipinas at Amerika.