--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakumpleto na ng DPWH Region 2 ang Phase 3 ng Bambang Bypass Road na nag-umpisa noong 2018 at inaasahang matatapos sa 2023.

Nasa ilalim ito ng multi-year contracting authority kaya ang pagpapalabas ng pondo at scope ng project works ay taunang ginagawa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Wilson Valdez, Information Officer ng DPWH Region 2 na kapag nabuksan ang bypass road ay malaki ang pagbabagong maidudulot nito sa mga susunod na taon.

Sinabi pa ni Ginoong Valdez na ang isa pang proyekto na Solano-Bayombong byass road ay nasa huling yugto na.

--Ads--

Ang mga proyekto na ito ay nasa ilalim ng Build Build Build program na naglalayong maibsan ang suliranin sa daloy ng trapiko sa daang maharlika.

Mababawasan din ang oras ng pagbiyahe ng mga mamamayan na hindi na dadaan sa mga  mga abalang bahagi ng main highway.

Ang Bambang byass road ay may habang 5.57 meters at may dalawang phase pa ang hindi natapos.

Katatapos ang Almaguer bridge  na magdudugtong sa nalalabing dalawang yugto na may dadaanang bundok.

Ayon kay Ginoong Valdez, hindi pa binubuksan ang mga bypass road at may mga inilagay silang barikada ngunit inaalis ang mga ito ng mga dumadaan sa lugar.

Mayroon na ring  mga nagbibisikleta at nagdya-jogging sa natapos nang bahagi ng bypass road.

Wala aniyang weight limit ng mga sasakyan kundi lahat ng uri ng behikulo ay puwedeng dumaan sa mga bypass road lalo na ang nagbibiyahe ng mga produkto.

Ayon kay Ginoong Valdez, ang project cost ng Solano-Bayombong bypass road ay  505 million at ang nakumpleto na ay 6.2 kilometers 0 88.17% na may halagang 417 million pesos ng proyekto na  puntiryang mabuksan ngayong 2022.

Ang natapos na sa Bambang bypass road ay 59.46% hanggang katapusan ng Enero 2022.