--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino sa naturang bansa na mag-ingat at sundin ang payo ng mga pulis kasunod ng nangyaring pamamaril sa isang mall sa COPENHAGEN na ikinasawi ng tatlo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni VICE CONSUL AL BARI MACALAWAN ng PHILIPPINE EMBASSY sa DENMARK na ang pamamaril ay nangyari mismo sa gusali kung saan matatagpuan ang embahada ng Pilipinas.

Pinakamalaking mall ito sa COPENHAGEN at marami ang nagpupunta.

Nagpapasalamat naman sila dahil walang nadamay na Pilipino pero may mga natrap sa loob ng mall.

--Ads--

Naglabas na sila ng statement bilang pakikidalamhati sa pamilya ng tatlong nasawi at pinayuhan na rin nila ang mga Pilipino na sundin ang mga instruction ng pulisya sa Denmark.

Aniya, sa COPENHAGEN ay nasa anim na libong Pilipino ang nakatira habang sa buong Denmark ay nasa labintatlong libo.

Ayon pa kay VICE CONSUL MACALAWAN, hindi naman laganap ang ganitong krimen sa Denmark dahil isa ang naturang bansa sa payapang lugar sa mundo kaya nagulat sila sa pangyayari.

Huli aniyang may nangyaring pamamaril sa Denmark ay noong 2015 pa.

Kahapon ay nahuli rin ang gunman na napag-alamang may psychiatric condition batay sa imbestigasyon ng mga pulis at wala pa namang inilalabas na may kinalaman ang krimeng ito sa racism.

Sa ngayon ang fields mall ay sarado ng isang linggo para sa isasagawang imbestigasyon.

Wala pa namang pahayag ang Danish government kaugnay sa gun regulation dahil iniimbestigahan pa kung saan galing ang baril ng suspek.