CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine Airforce at Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kaugnay sa insidenteng kinasangkutan ng isang Philippine Air force air bus.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Lt.Col. Melvin Asuncion ang DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na nauna nang naglabas ng pahayag ang Philippine Airforce sa pangunguna ni Col. Maria Consuelo Castillo ang Chief ng Public Affairs Office ng PAF at kinumpirma ang naganap na insidente na kinasasangkutan ng kanilang Philippine Airforce Airbus C295 na may tail number na 217.
Batay sa ulat ng Philippine Air Force sumadsad ang airbus sa runway sa Basco Airport matapos na makalas o matanggal ang nose landing gear o harapang gulong ng eroplano.
Ang nasabing C295 airbus na may sakay na limang crew ay mula sa galing sa tuguegarao airport at may kargang mga relief supplies para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Leon sa Batanes.
Sa kabila ng insidente ay sinisiguro ng PAF na sila ay handa parin na maghatid serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga air assets sa panahong pinaka kailangan.
Sa ngayon grounded ang mga irbus ng PAF gayundin na hindi pa maaaring magamit ang Basco airport hanggat di pa natatapos ang imbestigasyon ng CAAP subalit may iba pang air assests ang Airforce na maaaring gamitn para sa relief operations sa Batanes.
Ito ang kauna unahang insidenteng naitala ng PAF kaugnay sa mga C295 airbus na natanggalan ng gulong.