--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa  12  sako ng bigas ang naihatid ng Tactical Operations Group 2 (TOG2) ng Philippine Airforce sa Palanan, Isabela bilang bahagi ng malawakang relief operations ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Col Augusto Padua, commander ng TOG 2,  sinabi niya na  sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)  ay boluntaryo nilang ibinigay ang kanilang serbisyo.

Gamit ang dalawang  helicopter  ay matagumpay nilang naihatid ang 12 na sako ng bigas sa Palanan, Isabela.

Nasa 40 minuto aniya ang ginugol nila sa himpapawid bago nakalapag sa Palanan, Isabela at naibaba ang mga bigas na mula sa pamahalaang panlalawigan.

--Ads--

Puntirya  ng TOG2 na matapos sa loob ng tatlong araw ang paghahatid ng mga ayuda ng pamahalaang pnalalawigan sa Divilacan at Dinapigue bilang pag-iingat na rin nila kontra COVID 19.

Ang tinig ni Col. Augusto Padua