--Ads--

Nag-emergency landing sa Haneda Airport sa Tokyo ang isang Philippine Airlines (PAL) PR 102 mula Maynila matapos makitaan ng usok sa loob ng cabin, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang PAL flight 102 ay umalis mula Maynila bandang alas-10 ng gabi nitong Miyerkules at agad na ini-divert papuntang Haneda matapos ang ulat ng usok. Ligtas naman ang lahat ng pasahero at crew, ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon.

Aniya, ligtas ang lahat, at kasalukuyang nakahimpil ang eroplano sa Haneda habang patuloy ang imbestigasyon.

Paglapag, agad na binuksan ang mga pintuan ng eroplano para i-ventilate ang cabin. Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng usok habang isinasagawa ang masusing inspeksyon.

--Ads--